Monday, April 11, 2011

Willing Willie Goes Off-Air; Willie Revillame Attacks Lea Salonga, Jim Paredes, Aiza Seguerra, Agot Isidro, Bianca Gonzales and Leah Navarro

Willie Revillame announces last night during the last segment of Willing Willie that the show will go off air, temporarily, starting Monday, April 11, 2011.

The announcement started during the early part of the show that Willing Willie won't go live and will just have a pre-taped episode tonight, April 9. In addition, Willie also announced that all of its advertisers will just have to place ads until tonight's episode.

Willie also took the opportunity to attack few of his critics. He particulary mentionedLea SalongaAiza SeguerraJim Paredes, Bianca GonzalesTuesday VargasK BrosasLeah Navarro and even ABS-CBN shows like Goin' Bulilit and Showtime.


Watch the video below:

Part 1:



Part 2:




Read full transcript here:

"Sa April 23 po, magsi-6 months na po ang programa namin, anim na buwan na po tayo.

"Noon pong March 12, nagkaroon po ng problema, which is nag-react po ang lahat after 1 week. Yun pong bata na si Jan-Jan na sumayaw daw po ng malisyoso at hinusgahan na po kaagad ako ng mga sangay ng gobyerno. Sinabi nila na inabuso ko 'yung bata, na-child abuse ko, in-exploit ko yung bata dahil pinasayaw ko daw nang pinasayaw, dahil ho umiiyak na raw yung bata, pinilit ko pang sumayaw.

"Alam nyo ho, una ho sa lahat, pag nagkaroon po kami ng audition, hindi ko ho nakakausap yung mga contestant sa Wiltime Bigtime. So dito ko na ho nami-meet 'yan. So if you will notice, yun pong eksenang yun, tinanong ko siya 'ano ang kakantahin mo?' pero sabi niya hindi po ako kakanta, sasayaw ako. Naalala nyo 'yun. Ito pong batang ito'y anim na taon lamang eh. Ang kanya pong father sabay binati pa niya, batiin ko ang tatay ko may parlor. So di po namin alam ang buhay ng ating mga kababayan.

"Sana'y magsi-celebrate kami ng anim na buwan nitong 23, tayo, tayong lahat. Kanina ho, at for the past days, mga ilang araw ho, marami akong pinagdaanan eh.

"Nung nasa ABS pa 'ko, nagkaroon ng stampede, 71 dead people. Sa morgue po, mag-isa lang po akong lumalapit, wala akong kasama na mga boss ng ABS, ako lang po yun. Wala akong kasama. Ako ho ang humingi ng tawad sa pamilya, ako rin po ang humingi ng tawad sa mga bangkay, 71 dead people, sa mga nanay humingi ko ng tawad. Pitumput-isang bangkay po yun na lumuluhod ako, hanggang minumura ako ng ibang pamilya.

"Lahat ng mura inabot ko pero after ho murain ako, inaakap ako. 'Kung hindi ka lang mahal ng nanay ko, papatayin kita Willie. Pinuntahan ka ng Nanay ko, kasi birthday ng Nanay ko, kagabi nagpa-manicure pa sya, kasi Nanay ko labandera lang Willie, para pag hinawakan mo daw sya, maganda yung kamay nya.'

"Marami hong istoryang totoong na-experience ko. Nung time na nakaburol lahat ng mga yan, ako lang ho ang pumupuntang mag-isa, sarili kong pera. Hindi ko na ho to dapat sabihin pa, pero ito na po ang pinakagrabeng, grabeng kampanya na tanggalin po ako sa industriya. Ako pong humihingi ng tawad sa pamilya, ako hong humaharap, ako po lahat yan. Alam po ng Panginoong Diyos yan. Sa sarili kong pera, inaabutan ko po ng palihim lahat ng 'yan.

"Nakabalik po ang programa at minahal nyong lahat. Naniniwala ako yung 71 na taong yun, ung mga nanay at lolo namatay, pinagdadasal po ako lagi. Nilalapit ako sa Diyos na sana'y laging nandito ako, kaya naniniwala po ako na nandito pa rin ako sa harap nyo.

"Nagkaroon po kami ng problema, ung Wilyonaryo, dayaan, hangga't nakapag-away po kami ni Joey De Leon dahil nandadaya daw ako, ung mga ganitong salita, pero nagkaayos na po kami, naging maayos na po kami ni Joey dahil malaki ho respeto ko sa taong un, at kay Vic Sotto at sa Eat Bulaga.

"Nagkaroon ng problema, ako na naman ho ang hinarap ng ABS nun, 'ikaw makipag-usap sa tao' na hindi ko po kasalanan un. Kasi ho, kaya ko sinasabi lahat to, matagal ho akong tumahimik. Tumahimik ako nang sa sarili ko na lang tinitiis kasi hindi ko na ho pinuproblema yung ganyan. Ako na lang ang tirahin. Tahimik lang ako.

"After po nung Wilyonaryo, nagkaroon po ng insidente with well-loved President, the late Cory Aquino. Ang lahat po ng sasabihin ko sa inyo ay totoo lamang. Hindi po ako magsisinunangaling sa inyo. At alam ng mga tao yan.

"Nung ako po'y pumasok, may tumawag sa kin na si Tita Cory daw po, ang ating Presidente, ay wala na. So nag-isip kaagad po ako, tinawagan po ako ng aming direktor, ang nirerespeto ko't minamahal kong si Mr. Johnny Manahan, Mr. M, sabi niya 'Willie na ang ating well-loved President na si Tita Cory, ano'ng nasa isip mo?'

"Bigla po akong tumawag sa 'king EP (Executive Producer). Pinakuha ko ung mga video po niya sa TV Patrol, sabi ko kakanta ko ng 'Munting Hiling', pakuha kayo ng mga kandila para magdasal tayo at magbigay ng respeto.

"Yun po ang araw na namatay si Tita Cory. Kumanta ko ng Munting Hiling. Kung makikita nyo ung tape na un, very solemn po un, nagbigay kami ng respeto. And Kris Aquino texted me, sabi niya, 'Willie mahal ka ng Nanay ko, kasi pag nanonood siya.'

"Kahit noong si Tita Cory po eh nasa ospital, tinitext ako ni Kris kasi ung mga anak niya, kini-kiss daw ung TV, hinahalikan ako, dahil paborito nung mga anak niya ung kanta ko, Kung Para Sa Yo, pati si Tita Cory.

"After po nung pangyayaring un, kinabukasan, dapat magti-taped (episode) kami. Sinabi ko po sa management na ibigay na natin to sa mga Aquino(s) kasi bat tayo magsu-show, sasayaw ako ng Giling-Giling, magsasaya kami, pero ang well-loved President, ipinagluluksa ng sambayanan.

"Nung una po nagtaping kami, kasi nung araw pong yun ay taped, mas maaga kong pumasok, tapos nung nasa kwarto ko, ilalabas na raw po yung na-tape namin.... Para maintindihan nyo po lahat, kasi grabe na ho akong tirahin ng Inquirer, ng mga dyaryo, sa email, sa Twitter. Parang gusto nila, mamatay na ko, mawala na ko sa mundong ito. Ganon po ang ginagawa sa kin ngayon.

"So after po nun, live yun, I'm sure nanonood ang mga tiga-ABS at totoo 'to. Wag na wag kayong magsisinungaling. Kahit saan tayo mapunta, haharapin ko 'to.

"After po nun, sinabi ko po, sa tape, okay, nung naka-tape po kami, ipinalabas po. Walang nakakaalam nito eh. Sasabihin ko na ho lahat to. Sobra na ho ang kampanya na ginagawa sa 'kin. Lumabas po dun sa screen, habang sumasayaw kami ng Giling Giling, ung kabaong ni Tita Cory.

"Tumawag kaagad po ako sa isa sa mga boss, kay Ms. Linggit Tan, 'Ano ba naman kayo? Nagsasaya tayo, nagluluksa ang sambayanan, papasukan nyo kami ng ganyan. Nakakahiya sa Pamilya Aquino. Tinanggal po yun, so nag-react sila sa sinabi ko. Pinapasukan kami, sumasayaw kami ng Giling Giling, meron pong kabang ng Mahal nating Presidente. Ang bastos naman. At ako ho ang tumawag sa Management, wag nyo namang gawin yan sa min. Nakakahiya kay Tita Cory at sa Pamilya Aquino. Nagsasaya kami, ang sambayanang Pilipino eh nagluluksa. Parang wala kaming respeto.

"Ano hong nangyari? Ang nangyari ito. Alam ng Diyos to. Tutal ginaganyan nyo ko, sasabihin ko na lahat. Tumahimik ako para walang problema. Kasuhan nyo ko, haharap ako sa inyo. Isa ho sa management. Ang sinabi ko, 'Ibigay na natin 'to sa mga Aquino(s)'. Ano hong sinabi sa 'kin? 'Kailangan nating kumita. Commercial'. Alam mo kung sino ka at haharapin kita. Sobra na ginagawa nyo sa kin. Sinabi po yan!"

"Pagkatapos po nun, humarap na naman ako ng live. During the Willie of Fortune, meron pong isang sumasayaw ng Nobody Nobody, inilabas na naman po ang kabaong ni Tita Cory. Kung ire-recall nyo yun, dun na ulit ako nagalit. Kasi nilabas na naman po, tumawag na ko sa management eh.

"Anong ginawa nung mga walang hiyang sumisira sa kin? Pinakita po un sa Youtube, na galit na galit daw ako, binabastos ko daw ang Presidente. Alam nyo ba ang puno't dulo nun? Un ang totoo nun, bago pa mangyari yan, tumawag na ko sa Management, kinausap ko na sila, wag naman nating ipalabas yan, magbigay tayo ng respeto.

"Ano'ng ginawa nyo sa kin? Winasak nyo na naman ako sa Twitter, sa Youtube. Pero di nyo pinanood ung kabuuan at hindi nyo alam. Isang tao lang po nanindigan sa 'kin, direktor ko po yun sa Wowowee, Mr. Johnny Manahan, Mr. M, palakpakan nyo po yang tao yan.

"Dahil alam na alam po niya ang katotohanan. At andun siya. Sa Pamilya Aquino, sa Presidente, eto po ang katotohanan.

"Pagkatapos po niyan, ilang kaso na yan, Wilyonaryo, stampede eto. At pagkatapos po nyan, eto na naman, babalik na po ako sa Wowowee July 31. Kinausap na ko ni Ms. Charo Santos, nag-meeting na po ako sa staff ko, pinuntahan ako ni Linggit Tan sa Tagaytay, inayos. Meron po kaming pinadalang sulat, na nag-react ako kay Jobert dahil isang bubong lang kami, tinitira ko sa isang bubong. Tapos na po un eh. Nangyari na ho yan.

"So ang pakiusap ko sana sa Management, bakit naman, siguro naman, kahit papano kumikita ang Wowowee, ano hong ginawa nila? Wala naman silang ginawa. Nung sumulat po ang abogado ko, sa kanilang lahat diyan, kay Ms. Cory Vidanes, kay Boss Gabby, kay Ma'am Charo, nag-react pa sila. Ano hong balak nila sa king gawin? I-stop yung show at bigyan na lang ako ng once a week show.

"Pero babalik na po sana ko. Sang araw bigla na lang ako tinawagan ni Linggit Tan na, tinawag ako, nag-meeting kami sa isang hotel, andun si Direk Bobot, andyan si Jay ang aking business unit head, ang sabi nila, 'Hindi ka na makakabalik. Once a week ka na lang.' Nilalagay pa ko sa Studio 23 eh, nilalagay ako sa isang programa na talagang, parang totally ina-out na rin ako. Bakit ho? Eh nangako na silang babalik ako. Yan ang totoo nyan. Kaya nagdesisyon na ko na hindi na ko bumalik.

"Etong lahat ng ito, yan ang totoo. Tapos ho eto, nangyari na naman 'to. Sino ba gumagawa nito sa paninira na 'to? Meron po kaming kaso pa. Hindi kami makuhanan ng TRO. Pilit nilang kinukuha na kami po'y mapahinto, maglilimang buwan na ho mahigit, hindi nila makuha ang TRO.

"Eto po ngayon, nakakita ng butas. Hindi ko sila pinagbibintangan. Sinong gagawa nito? Kung sino man ito, mahabag kayo. Ako okay lang eh. Mabubuhay naman ako kahit papano. Kuntento na ko sa meron ako ngayon, di na ko naghahangad. Pero ung mga taong nangangarap, ung mga taong humihingi ng pag-asa, ung mga taong nakapila sa labas. Di ba?

"Ung mga Nanay, ung mga lola, ung mga special children, mga nandito araw-araw, kayong gumawa nyan. Kung sususpendihin ang show, hindi naman ako natatakot na eh. Lagi nyo naman akong ginaganyan. Ilang beses nyo kong tinanggal sa ABS, pero pag kailangan nyo ng ratings, tatawagan ka, ibabalik ka. Di ba? Wag nyo na kong lagyan ng music. (music stops)

"Nakipag-usap po ako sa TV5 Management. Ilang araw na po akong nag-iisip. Ang sabi ko sa kanila, itong mga taong 'to ayaw na kong tigilan, hanggang ililibing na ko nang buhay nitong mga 'to...

"Tinira po ako sa Twitter, nung si Jan-Jan, ung bata. Ang ipinakita po, pinutol, inisplice po nila yan, at ipinakita ung umiiyak ung bata. Pinwersa ko daw sumayaw, pinaiyak ko daw, chinild abuse ko ung bata. Panoodin nyong lahat ung segment nung Wiltime Bigtime, kung papano, ni hindi ko nga alam ung nagsasayaw nung bata, pinaglaruan ko daw. Wala ho ni isa dito sa loob studio na nakaisip na may malisya sa batang 'yun.

"Nakadamit ung bata, nakaayos ung bata, sumasayaw ng ganon. 4 years pa lang ho si Jan-Jan, un na ang sinasayaw nya sa eskwelahan, sa mga pa-kontes, un na po ang sayaw nung bata.

"Ngayon, alam nyo ginawa ng DSWD? Kinasuhan na agad ko na, inakusahan na kaagad ako na child abuser ako. Anong ginawa ng CHR, Human Rights? Yan ho, hinusgahan na agad ko na inexploit ko ung bata, na-child abuse ko. Lahat ho dito inakusahan na ko, sa dyaryo, lahat, dinudrawingan pa ko na monster, lahat, kung mababasa nyo yan.

"Ito ung mga mayayaman. Hindi naman ako naapektuhan eh, dahil ang puso ko'y wala sa kanila, nasa mahihirap, nasa mga taong 'yan.

"Gusto ko lang hong ipaliwanag sa inyo. Ung Procter & Gamble ay naglabas ng statement na napakasakit sa 'min. Sila po'y nag-pullout na. Ung (Mang) Inasal, nag-pull out na rin. Dahil may statement sila, na ayaw nilang, well katulad ng P&G, napakasakit nung ginawa nila sa 'min, masyadong personal, na ayaw nilang maglagay sa isang programang ganon, ung behaviour ay hindi maganda.

"Wala po kaming kasalanan. Wala 'kong kasalanan. Humihingi na ko ng paumanhin sa inyo, na kung merong na-offend, pero hindi ho ako hihingi ng tawad kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang 'yun, hindi ko minolestiya ang batang 'yun.

"Gusto ko lamang magpasalamat naman po sa Unilever. Sila po'y nagpaalam sa kin kagabi nang maganda. Mineet nila ko. Sobra po. Ung Surf, Rexona, Vaseline, Pepsodent, alam nyo ho ang purpose nito magbigay ng saya, gustong ibalik nila pag binibili yung produkto. Ang sabi po nila, naglabas sila ng statement, 'Willie aalis kami sa programa mo. Pero aalis kami sa lahat ng channel, in fairness sa 'yo. Para hindi kami unfair. Palakpakan nyo po ang Unilever.

"Wala pa pong husga eh. Wala pa sa kaso. Ginawa nyo na kong kriminal. Kayo ngang lumabas sa gate, magbigay nga kayo lagi ng pera dyan sa matatanda. Bumaba nga kayo dyan sa labas ng kanto, bigyan nyong mga naghihirap dyan. Un dapat ang ginagawa nyo. Hindi ung pinupuntirya nyo ko.

"Maraming mga artistang nakisawsaw. Mag-isip muna kayo bago kayo makisawsaw. Ang sakit nyo. Yan si Jim Paredes ng Apo, tinira ko sa Twitter, si Aiza Seguerra, tinira ko sa Twitter, si Agot Isidro, Lea Salonga, Mylene Dizon, sasabihin ko na lahat, sino pa, Bianca Gonzales ng SNN, susuportahan nyo ba ang mga taong yan?

"Anong nagawa nyo? Anong nagawa nyo sa sambayanang Pilipino?

"Sino pa? Si Tuesday (Vargas) na kasama ko dito tinira rin ako. Di ko maintindihan na tagarito ka, tinira mo ko. K Brosas. Sino pa? Leah Navarro okay. Sino pa?

"Kapwa tayo artista, nakagawa ba kayo ng tulong? Nagbigay ba kayo sa Bantay Bata ng isang milyon? Nagbigay ba kayo? Hindi.

"Wag kayo maghuhusga ng kapwa nyo artista. Dapat magkasama tayo dun. Tulungan nyo kami pag nagkakamali kami, wag kayong maghuhusga. Tandaan nyo, ung masang Pilipino ang sumusuporta sa inyo.

"Yan pong mga pangalan na yan, winasak ang pagkatao ko sa Twitter. Yan pong mga taong yan. Jim Paredes ng Apo, Lea Salonga...

"Aiza Seguerra, magpakalalake ka! Tandaan mo yan. Bata ka pa, di ba, nagtatrabaho ka na, di ba exploitation yan. Mag-isip ka. Tingnan nyo muna sarili nyo bago kayo magsalita.

"Agot Isidro, wala ka namang anak eh bat mo ko gaganyanin, alamin mo muna.

"Sino pa? Bianca Gonzales, akala mo kung mga sino kayo!"

"May natulungan ba kayong mga mahihirap?

"Kaya ko lang ho sinasabi to, nagtitimpi ako, ayaw ko tong sabihin, ayokong banggitin ang pangalan nila, pero sa Twitter ho un ang ginagawa nila, ang wasakin ako.

"Tinawagan ang Technomarine sa Switzerland, tinawagan sa Amerika ang Unilever, tinawagan lahat, inemail na magboboycott sila sa mga produkto pag ako daw po ay sinoportahan nila. Boboycottin nyo? Eh itong mga taong sumusuporta na 'to, ibinabalik lang ng mga sponsors, sino ba ang consumers? sino ba ang namimili? kayo ang bida rito hindi ang mga sponsors. Kayo!"

"Dahil kung di kayo bibili ng mga sponsor na to, kung hindi kayo ng mga produktong ito, wala, walang kita ang lahat ng mga ito.

"Sinasabi ko sa inyo lahat yan. Ako po, hindi ako tumutulong nang nasa harap nyo lang. Marami din akong ginagawa, pero hindi ko na kailangang sabihin to. Pasensya na ho kayo, hindi ako emosyonal, hindi ako nagagalit, kaya lang sana bago kayo manghusga ng kapwa nyo, tumingin kayo sa salamin. Ano nagawa ko sa bansa ko? Ano nagawa ko sa kababayan natin?

"Bakit? Dahil sinuportahan ko si Sen. Villar ganito tingin nyo sa kin? Nakita ko ung tao maganda puso eh, nakita ko ung tao tumutulong talaga sa mahihirap eh, kaya I'll stick with him. Dahil ba orange ang kulay ko, pinag-iinitan nyo ko?

"Haharap ako sa inyo, patawag ako ng kongreso, patawag ako ng Senado, kahit sino pa, haharap ako sa inyo dahil wala akong ginawa sa batang 'yun.

"Gusto po nilang mahinto ang programa, halos dalawang daang tao galing ng ABS-CBN yan sumama sa kin, kung masama po akong tao, wala pong sasama sa kin na mga staff ko at mga dancers. Ung iba po dyan, 25 years, 20 years, 18 years na sa kanila.

"Ngayon po, nakipag-usap po ako sa Presidente ng TV5 Atty. Rey Espinosa, nag-usap kami na hanggang ngayon na lang po ako dito sa Willing Willie. Magpapahinga muna po ako, hindi po ako nagpapalam.

"Bukas po naka-tape na kami, lalabas po un, mapapanoon nyo po un. Starting Monday po, hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po munang mabuti kung ako po'y babalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan nyo lang po muna ako ng pagkakataon at sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito, masyado po akong binintangan, na wala po akong ginagawang masama. Sa mga taong gumawa nyan sa kin, ang isipin nyo ung matatanda sa labas, ung mga bata, ung mahihirap, wag ako, wag ako, instrumento lang ako ng mga taong ito, wag nyo akong kainggitan, dahil ako'y di lumalabas kahit sang lugar, lagi lang ako nandito sa studio at sa tahanan ko. Hindi ako nakikipagpagligsahan sa inyo. Kayong magaling, magaling kayo, basta ang puso ko lang andito sa mga mahihirap.

"Hihingi din lang ako ng paumanhin, Boss, Mr MVP, nadamay po kayo rito, Atty. Ray Espinosa, Boss Bobby at sa mga ano, pasensya na ho kayo, wala muna hong Willing Willie. Hindi ho kami sinuspendi. Wala pong suspension ng MTRCB, wag kayong magalit sa MTRCB.

"Nagpalit po sila ng tatlong Board. Baket? Lahat po ng mga yun involved sa ABS-CBN. Ung isang abogado, asawa nya nasa ABS, ung isa po, asawa nya rin nasa ABS. Si Ms. Leah Navarro, biruin nyo, hinusgahan nya na ko sa tweet, tapos isa sya sa mga board. Naghusga ka na sa kin tapos kasama ka sa Board?

"Alam nyo dapat suspended ang show, suspended last night ng 20 days to 30 days. May tumawag sa kin from MTRCB, hindi sila buo dun. Meron ding mga galit sa mga desisyon nila. Dapat ho suspendido kami, pero anong nangyari, naputol, kasi pinakita ho namin ung mga babaeng sumasayaw sa Goin' Bulilit na naka-bra lang, pinakita namin, ha, ung mga apat na lalake na nakalampin sa Showtime na sumasayaw din ng katulad nung kay Jan-Jan.

"Bakit kami lang? Kung sususpendihin nyo kami, suspendihin nyo lahat yan!"

"Di po ba tama yun? Iba ang tinitingnan sa tinititigan nyo, maging fair kayo. Tandaan nyo po to, hindi ako titigil sa adhikain na to.

"Maaaring ito ay eye opener sa 'tin. Dapat tulungan natin ang mga bata sa kalye. DSWD, kunin nyong lahat yan, bigyan nyo ng magandang buhay. Human Rights, Chairman, tinitira nyo ko, hinusgahan nyo ko, andaming namamatay na OFWs, yun ang tulungan nating mga kababayan natin sa ibang bansa.

"O alam nyo ba? Ayaw ko na tong banggitin eh. Nagbigay ako ng kalahating milyon, nung pang uwi lang dito ng mga OFW sa Lebanon. Nagbigay po ako. Binanggit ko ba yan? Sasabihin ko lang sa inyo, gumawa ako ng isang paraan. Nagbigay ako ng 1 million kay Ma'am Charo, sa 71 Dreams, 500, sa I think, hindi ko alam kung Bantay Bata o sa isa pa, binigay ko po yan binabanggit ko ba sa inyo yan?

"Meron bang gumagawa nyan? Kung may gumagawa man, mabuti, magsama-sama tayo. Wag nyo kong dikdikin, hindi ako masamang tao. Ang hangad ko lang magpasaya at makatulong sa mga mahihirap.

"Basta nangangako po ako, kahit wala po kaming commercial, pagbalik ko, kahit hindi kami suportahan ng kahit na sino, nakausap ko po Presidente ng TV5, kahit isakripisyo ko na sweldo ko, un pong ibibigay kong papremyo at kasama ko ang TV5, tutuloy po namin.

"Lahat po ng perang makukuha, kahit walang commercial, kahit inabandona na kami ng mga commercial, umayaw sila sa min, kahit umalis sila, kahit walang isang commercial, itutuloy po namin to, ang aming purpose magbigay ng saya at pag-asa. Hihingi ako ng tulong sa aming Presidente, hihingi ako ng tulong kay Mr. Pangilinan, kahit na malugi daw kami, basta ituloy namin yung saya para sa inyo to.

"Maraming salamat po sa inyo. At ah, mawawala muna po kami ng dalawang linggo. Kung anuman, at kung babalik man kami, may panibago hong pag-asa ulit. At bibigyan namin ng proteksyon ang mga bata at ang mga pamilyang katulad ni Jan-Jan. Kami na po gagawa nyan.

"Marami pong salamat, pasensa na po kayo. Lahat po ng sinabi ko sa inyo, kahit idemanda ko ng ABS, haharap ako. Hindi po ako natatakot dahil hawak ko lahat ang katotohanan at may mga lalabas na witnesses sa sinabi ko, pag ako'y dinemanda.

"Tandaan nyo po, ung mga sponsors po na...iniwan ako...wag nyo po kayong magalit sa kanila. Meron po silang boss sa abroad.

"At ung tumitira sa kin sa Twitter, kung idedemanda ka ng TV5, ididedemanda din kita. Magdidemandahan tayo. Idedemanda ko lahat ng tumira sa kin, lahat ng personal, tandaan mo yan.

"Salamat po sa inyo. Basta tandaan nyo po, ito pong programang to, mahihinto muna, after ng Holy Week, and then mag-a-announce po kami kung matutuloy pa ang Willing Willie o hindi na.

"Sa mga nangangarap ng pag-asa, na humihingi, ipagdasal nyo po kami, lahat kami at ipagdasal niya ako. Tandaan nyo po, balewala to, si Jan-Jan, inaaruga ko, ang pamilya niya, dahil mas kailangan nila ang taong kakalinga sa kanila.

"Wala pong kumakalinga sa kanila. Lahat po ng taong lumalapit sa pamilyang ito ngayon, puro minumura sila. Ung tatay, dahil sya daw ay bading, masyadong minamababa. Pero akong ginagawa ko, araw-araw tinatawagan ko pamilya, kinukumusta. Yan po gawin nyo DSWD, marami pang Jan-Jan sa Pilipinas, marami pang mga batang katulad niyan.

"Salamat po sa inyo, magandang gabi sa inyo. Mahal na mahal ko kayo at sana ipagdasal nyo makabalik pa ang programang ito. Thank you so much, magandang gabi po. Thank you!

No comments:

Post a Comment