Friday, June 24, 2011

'100 Days to Heaven,' Xyriel at Jodi, Karapat-dapat na Purihin

Ang teleseryeng tungkol sa isang masungit na boss na namatay at binigyan ng pangalawang pagkakataon para itama ang kanyang mga nagawang mali sa loob ng isang-daang araw ay ‘di lamang napukaw ang buong bansa kung hindi nakuha rin nito ang interes ng mga kilalang TV critics sa bansa.

Ang “100 Days to Heaven” ng ABS-CBN ay ang pinaka-pinapanood ng TV program ngayon sa bansa. Ayon sa datos ng Kantar Media, nakakuha ng average national rating na 32.6% ang pinagbibidahang serye nina Xyriel Manabat, Coney Reyes at Jodi Sta. Maria. Ito ang pinakamataas na average national rating sa mga regular na programa noong Mayo. 

Nakakuha rin ng mga positibong review mula sa mga TV critic ang “100 Days to Heaven.” Sinulat ng mga tanyag na kritiko kung gaano sila na-bilib sa kwento ng “100 Days to Heaven” at pinuri ang pagganap nina Xyriel at Jodi sa nasabing palabas. 

Isinulat ni Isah Red ng Manila Standard Today na ang dalawang rason kung bakit nangunguna sa ratings ang “100 Days to Heaven” at ito raw ay dahil sa novel concept at magaling na pagganap ng mga cast members ng palabas. 

Ayon kay Red, "The concept is novel to many Filipinos. I think the writers have been able to make each week dramatic enough for audiences to look forward to the next level." 

Pagdating naman sa acting department, isinulat ni Red na ang lead Child Actress na si Xyriel Manabat “proves that she can deliver punches as well as buckets of tears and the audience are loving her." 

"Coney Reyes who plays the older woman must be delightfully amused that she has found her clone. More so, the series is populated with competent performers among whom Jodi Sta Maria and Rafael Rosell," dagdag pa nito. 

Pinuri naman ni Tito Genova Valiente ng Business Mirror si Xyriel bilang isang mature na aktor. Sinabi rin nito na makatotohanan ang pagganap ng batang aktres. 

“Manabat, because she is so good, is really a mature actor trapped in a cute and charming little girl’s body. Onscreen, she manifests all the mannerisms of a mature person in the character she plays. She is supposed to be the young Anna/Reyes but one realizes that we are not ‘supposing’ anything in and with her,” saad ni Genova. 

Nagustuhan naman ni Nestor Torre ng Philippine Daily Inquirer ang street-smart seam artist sa nasabing serye na ginagampanan ni Jodi. Inilarawan ni Torre na "bracingly edgy and textured" ang pagganap ni Jodi sa kanyang karakter. 

"Unlike many of her contemporaries, she (Jodi) has the imagination and work ethic to act, rather than merely pass muster with lazy, little variations on herself. It would be really great if more young-adult performers would be similarly ambitious and gung-ho creative,” dagdag pa ni Torre. 

Tumutok lamang sa "100 Days to Heaven" at alamin kung paano nga ba makakaakyat ng langit si Anna Manalastas. 

No comments:

Post a Comment