Sunday, August 7, 2011

'Good Vibes,' Nag-All Time High sa TV Ratings

Habang tumatagal lalo pang lumalakas ang numero unong youth-oriented program na “Good Vibes” ng ABS-CBN at patuloy na pinapanood ng mas maraming Pilipino kaysa sa katapat na programa.

Ayon sa national TV ratings mula sa Kantar Media, nagtala ng 12.2% TV ratings ang pinagbibidahang show nina Sam Concepcion at Enrique Gil, malayo sa 8.8% ng “Tween Hearts” ng GMA. Ito ang pinakamataas na rating na nakuha ng show sa mahigit apat na buwan nito sa ere.

Kaya naman sa nalalapit na pagtatapos ng kuwento ng magkapatid na Pedroza na sina Marc (Sam) at Troy (Enrique) at ng buong Good Vibes crew, patuloy ang pagbuhos ng apila ng mga tagasubaybay ng programa para sa isa nanamang extension.

Bukod sa astig na dance numbers, patok din sa mga kabataan ang mga kuwento sa “Good Vibes” na kapupulutan hindi lang ng kilig kundi ng aral. Tulad sa darating na Linggo (Agosto 7), muling papaibabaw ang kahalagahan ng tiwala sa sarili at isa’t isa sa pagsabak ngGood Vibes crew sa Pilipinas Dance Challenge auditions.

Ipapakita naman ni Maribeth (Devon Seron) kung paano maging totoo sa kaniyang damdamin sa hindi sinasadyang niyang pag-amin ng pagmamahal para sa isang manliligaw.
Abangan kung sino kina Spencer (James Reid) at Gab (Ivan Dorschner) ang masasabihan niya ng ‘mahal kita’ sa darating na episode.

Samantala, nagbahagi rin ng good vibes ang programa sa totoong buhay sa kanilang pagtulong sa paglilipat-tahanan ng ‘Childhaus.” Ang ‘Childhaus’ ay isang pasilidad na kumukupkop sa mga batang may malubhang sakit.

Ani Sam, masayang-masaya siya na kahit sa maliit na paraan ay nakatulong siyang mapabuti ang kalagayan ng mga bata.

“Napakasarap sa puso na makita ‘yung mga ngiti nila, ‘yung pag-asa sa mukha nila na nakalipat na sila sa mas maayos na tirahan. Napakasaya na maging parte ako ng buhay nila kahit papano,” pahayag ng binata.

Huwag bibitaw sa mas kilig at mas astig pang eksena sa “Good Vibes” ngayong Linggo (Augsut 7), pagkatapos ng “ASAP Rocks” sa ABS-CBN. Abangan din ang GV crew sa “Gandang Gabi Vice,” pagkatapos naman ng “Pilipinas Got Talent.” Para sa news at updates, i-like ang http://facebook.com/GVCrew o sundan ang @goodvibes_crew sa Twitter.

No comments:

Post a Comment