Friday, October 7, 2011

ABS-CBN, Nangunguna Pa Rin sa National TV Ratings sa Primetime Ngayong Setyembre



Muling namayagpag ang ABS-CBNCorporation sa national TV ratings nang makakuha ito ng average audience share na 42 percent o mahigit 12 puntos kaysa GMA na may 30 percent ngayong Setyembre sa primetime (6 PM- 12 MN) kung saan pinakamarami ang nanonood ng TV at mas maraming advertisers ang naglalagay ng patalastas.

Base rin sa datos ng Kantar Media, nanguna rin ang ABS-CBN sa Metro Manila sa primetime sa average audience share na 35 percent laban sa 33 percent ng GMA.

Labingtatlo sa top 15 pinakapinanood na programa noong nakaraang buwan sa bansa ay mula rin sa Kapamilya Network kung saan ang top ten slots ay pawang mula sa kanila. Ang ipinagmamalaking locally-produced na programa ng GMA na ‘‘Amaya’’ ay nasa ika-15 lang.

Una sa listahan ang nagdiriwang ng ika-20 anibersaryo na ”MMK” sa average TV rating na 32.8% at siya ring nanguna pagdating sa weekend programming. Sinundan naman ito ng “100 Days to Heaven” sa average TV rating na 32% at siya ring nananatiling numero unong programa sa weekday.

Ang live airing naman ng prestihiyosong “Miss Universe 2011” sa Sao Paolo, Brazli kung saan naiuwi niShamcey Supsup ang karangalang 3rd runner up, ay pumalo ng 31% sa umaga, na siyang pinakamataas ng rating na naitala para sa isang beauty pageant. Hindi naman umabot sa kalahati ang rating ng “Miss World” na prinoduce ng GMA dahil nag-rate lang ito ng 9.2% sa primetime.

Samantala, ang pinakabagong pambato sa primetime ng Kapamilya na “Nasaan Ka Elisa?” ay agad na umakyat sa ikapitong puwesto sa average TV rating na 25.3% at patuloy na tinataob ang kalabang “Munting Heredera” ng GMA na pumapalo lang sa average TV rating na 19.4%

Ang iba pang ABS-CBN programs na nasa top 15 ay ang “My Binondo Girl” (27.4%), “Junior MasterChef Pinoy Edition” (26.4%), “Rated K” (24.6%), “Guns and Roses” (23.7%), “Pilipinas Got Talent” (22.8%), “Wansapanataym” (22.7%), “Maria La Del Barrio” (21.9%), at “Goin Bulilit” (20.9%).

Kilala ang kumpanyang Kantar Media sa pagbibigay ng datos tungkol sa TV ratings. Bukod sa ABS-CBN, may naka-subscribe rin sa kanilang ibang networks, advertising agencies, at pan-regional networks tulad ng NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, Adformatix, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC, Maxus, Universal McCann, Wellmade Manufacturing Corporation, CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, at Sony PicturesTelevision International.

Ang ABS-CBN ay naka-subscribe sa media research agency na Kantar Media. Lumipat sa Kantar Media/TNS ang ABS-CBN matapos magsampa ito ng kaso laban sa AGB Nielsen Media Research sa hindi nito pagsunod sa hiniling na imbestigasyon hinggil sa umano'y pandaraya ng datos ng kanilang TV ratings. Kasalukuyang nakabinbin pa sa korte ang kaso.

No comments:

Post a Comment