Ang Cinema One, ang numero unong movie channel sa bansa, ay ang bagong tahanan ng Gawad Urian Awards ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) . Ang Cinema One at MPP, sa pakikiisa ng Film Development Council of the Philippines, ay buong-pagmamalaking inihahandog ang isa sa mga prestihiyosong film award-giving bodies sa bansa--ang ika-34 Gawad Urian Awards, na gaganapin sa Mayo 17, Martes, 6p.m. sa Marriot Hotel.
"In line with its advocacy to support and develop local film culture, Cinema One is partnering with one of the most prestigious award-giving bodies in celebration of the golden age of digital cinema," ani ABS-CBN Cable Channels and Print Media Group Head March Ventosa.
Sa isang panayam, sinabi ni MPP head Rolando Tolentino na ngayon ang tamang panahon upang muling bigyang-buhay ang Gawad Urain Awards sa pamamagitan ng numero unong movie cable channel ng bansa, ang Cinema One.
“We are pleased to collaborate with Cinema One, a pioneer in digital cinema that retains the free spirit and cutting edge in today’s national cinema,” ani Tolentino.
Idinagdag ng chief film critic na ang pagpo-produce ng Cinema One sa Gawad Urian Awards ngayong taon ay napapanahon, dahil sa kasalukuyan ay kaunti lamang ang media exposure ng karamihan sa mga malalaking award-giving bodies. “The opportunity came at a time when major awards producers no longer can provide for its viability. Cinema One came and ensured the independent spirit of Gawad Urian.”
Anu-ano ang mga aasahan sa ika-34 Gawad Urian Awards? “This year’s Gawad Urian is a celebration of regional, multicultural, multilingual cinema that highlighted Philippine Cinema of 2010. This is a cutting edge attempt to meld indie spirit with mainstream actors to draw them in,” pahayag ni Tolentino.
Samantala, 10 natatanging pelikula mula 2000 hanggang 2009 ang pararangalan sa Dekada Awards, tulad ng “Babae sa Breakwater” (2003), “Batang West Side” (2001), “Ebolusyon ng Pamilyang Pilipino” (2004), “Kinatay” (2009), “Kubrador” (2006), “Lola” (2009), “Magnifico” (2003), “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” (2005), “Serbis” (2008) at “Tuhog” (2001).
Paparangalan din sina Gina PareƱo, Cherry Pie Picache at Coco Martin bilang Actors of the Decade.
Labingdalawang awards ang paglalabanan ngayong taon sa Gawad Urian, kasama na rito ang mga pinaka-aasam na titulo tulad ng Pinakamahusay na Pelikula (Best Picture), Pinakamahusay na Direksyon (Best Direction), Pinakamahusay na Dulang Pampelikula (Best Screenplay), and Pinakamahusay na Pagganap ng Isang Aktor/Aktres (Best Actor/Best Actress).
Pangungunahan nina MPP member/TV host Butch Francisco at Comedy Concert Queen Aiai delas Alas ang ika-34 Gawad Urian Awards bilang mga hosts. Ang gabi ng parangal ay inaasahang magiging pagtitipon ng mga pinakasikat at pinakamahuhusay na aktor at aktres sa industriya. Ilan sa mga award presenters ay ang internationally-acclaimed director na si Brillante Mendoza at mga artista na sina Anita Linda, Sue Prado at Meryll Soriano.
Ang Gawad Urian Awards ay isang taunang pagpaparangal sa kahusayan ng mga aktor at aktres sa bansa na nagsimula noon 1977. Ito ay may layuning suriin ang mga pelikulang Pilipino, pasiglahin ang interes ng bawat isa sa mga pelikulang gawang Pinoy at buhayin ang industriyang ito sa bansa. Ninanais din nitong mapalawak at mapaganda ang kaalaman at kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng isang pelikula bilang isang midyum ng komunikasyon at pagpapakita ng kultura ng bansa na naaayon sa pamantayan ng paggawa ng pelikula sa Pilipinas.
Ang mga nominado ngayong ika-34 Gawad Urian Awards ay ang sumusunod:
Best Picture
Amigo (Anarchists’ Convention Films)
Ang Damgo ni Eleuteria (Creative Programs, Inc., PanumdumanPictures)
Ang Mundo sa Panahon ng Yelo (Cinemalaya Foundation, Sampaybakod Productions)
Chassis (Happy Gilmore Productions, Cinemanila Foundation)
Halaw (Cinemalaya Foundation, Los PeliculasLinterna Studio)
Limbunan (Cinemalaya Foundation, Bidadali House Productions)
Noy (Cinemedia Films, Inc., VIP Access Media Productions, Star Cinema, ABS-CBN Film Productions)
Sheika (Cinemalaya Foundation, Skyweaver Production-Hydeout Entertainment, Alchemy of Vision and Light TV and Film Productions)
Tsardyer (Creative Programs, Inc., Lasponggols Collective)
Best Director
Adolf Alix Jr. (Chassis)
Sigfreid Barros-Sanchez (Tsardyer)
Sheron Dayoc (Halaw)
Mes de Guzman (Ang Mundo sa Panahon ng Bato)
Mes De Guzman (Ang Mundo sa Panahon ng Yelo)
Khavn de la Cruz (Maynila sa Mga Pangil ng Dilim)
Robin Fardig and Sherad Anthony Sanchez (Balangay)
Gutierrez Mangansakan II (Limbunan)
Arnel Mardoquio (Sheika)
Dondon Santos (Noy)
John Sayles (Amigo)
Remton Siega Zuasola (Ang Damgo ni Eleuteria)
Best Screenplay
Adolf Alix Jr. (Chassis)
Adolfo Alix Jr. and Agnes de Guzman (Presa)
Sigfreid Barros-Sanchez (Tsardyer)
Sheron Dayoc (Halaw)
Mes De Guzman (Ang Mundo sa Panahon ng Bato)
Mes De Guzman (Ang Mundo sa Panahon ng Yelo)
Khavn De la Cruz and Carl Javier (Maynila sa Mga Pangil ng Dilim)
Gutierrez Mangansakan II (Limbunan)
Arnel Mardoquio (Sheika)
Shugo Praico (Noy)
Remton Siega Zuasola (Ang Damgo ni Eleuteria)
Best Actor
John Arcilla (Halaw)
Perry Dizon (Sheika)
Ronnie Lazaro (Ishmael)
Sid Lucero (Muli)
Coco Martin (Noy)
Pen Medina (Layang Bilanggo)
Sam Milby (Third World Happy)
Fanny Serrano (Tarima)
Joel Torre (Amigo)
Best Actress
Rita Avila (Magdamag)
Mercedes Cabral (Gayuma)
Donna Isadora Gimeno (Ang Damgo ni Eleuteria)
Laurice Guillen (Karera)
Fe GingGing Hyde (Sheika)
Ces Quesada (Magkakapatid)
Jodi Sta. Maria (Chassis)
Meryll Soriano (Donor)
Best Supporting Actor
Joem Bascon (Noy)
Tirso Cruz III (Sigwa)
Martin Delos Santos (Tsardyer)
Julio Diaz (Magkakapatid)
Garret Dillahunt (Amigo)
Cogie Domingo (Muli)
Rocky Salumbides (Tarima)
Gregg Tecson (Ang Damgo ni Eleuteria)
Yul Vasquez (Amigo)
Best Supporting Actress
Lucia Jeuzan (Ang Damgo ni Eleuteria)
Anita Linda (Presa)
Rio Locsin (Amigo)
Maria Isabel Lopez (Halaw)
Liza Lorena (Presa)
Zsa Zsa Padilla (Sigwa)
Rosanna Roces (Presa)
Best Cinematography
Gabriel Bagnas (Chassis)
Albert Banzon (Ang Mundo sa Panahon ng Bato)
Arnel Barbarona and Dexter Dela PeƱa (Halaw)
Malay Javier (Tsardyer)
Christian Linaban (Ang Damgo ni Eleuteria)
Lee Meily (Amigo)
McRobert Nacario (Limbunan)
Takeyuki Onishi (Dagim)
Rain Yamson II (Di Natatapos ang Gabi)
Best Production Design
Tonee Acejo (Gayuma)
Bagwani Ampalayo, Jun Cayas, and Maree Contaoi (Sheika)
Rodell Cruz (Amigo)
Rene De Guzman (Ang Mundo sa Panahon ng Bato)
Paramata Ednawan (Limbunan)
Rodrigo Ricio (Emir)
Roland Rubenecia (Chassis)
Amar Sharif (Halaw)
Kaloy Uypuanco (Ang Damgo ni Eleuteria)
Best Editing
Renewin Alano (Noy)
Danilo AƱonuevo (Rekrut)
Willie Apa Jr. and Arthur Ian Garcia (Sheika)
Aleks CastaƱeda (Presa)
Chuck Guttierez and Lester Olayer (Halaw)
Best Music
Mason Daring (Amigo)
Marco De Leon, LC De Leon, Ciro De Leon (Tsardyer)
Mark Laccay, Stefan Loewenstein, and Ysagani Ybarra (Happyland)
Popong Landero (Sheika)
Jessie Lasaten (Di Natataposang Gabi)
Jess Santiago (Ang Paglilitis ni Mang Serapio)
Jerrold Tarog (Ang Damgo ni Eleuteria)
Josefino ‘Chino’ Toledo (Emir)
Best Sound
Mike Idioma (Sampaguita)
Mark Laccay (Dagim)
Elroy Montano (Amigo)
Jona Paculan, Carlos TaƱada and Moks Vitasa (Halaw)
Dempster Samarista (Limbunan)
Maki Serapio and Paolo Angelo Lindaya (Sheika)
Huwag palampasin ang ika-34 Gawad Urian Awards sa Cinema One, ngayong Mayo 22, 10p.m. Ang Cinema One, ang numero unong movie channel ng bansa, ay available sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang quality cable operators nationwide.
No comments:
Post a Comment