Bryan Termulo, ang dating GMA 7 talent, 2007 Pinoy Pop Superstar finalist, at 2010 WCOPA silver and bronze medalist, took up basic acting workshop on ABS-CBN.
"Last October, at nag-last siya nung February of this year lang. Now I'm waiting for my call na lang," saad niya. "Before nga, parang ipi-present na ako kay Mr. M [Johnny Manahan, chairman emeritus ng Star Magic] nung last month yata or two months ago. Kaso ang problema, pictorial ng Lifeline. E, nauna itong Lifeline na natanguan ko, eto ang ginawa kong priority. Sabi ko na lang sa Star Magic, ita-try kong humabol. Ipi-present na raw ako kay Mr. M. Gusto ko talagang maging part ng Kapamilya Network. Na-late ako, so sinabi ko na lang sa kanila na pasensiya na kasi may prior project akong pinuntahan. Tinext naman nila ako at in-assure nila na irire-sked raw nila yun, ipa-follow up ko na lang. So, I'm still waiting."
Maliban sa pagiging kabado, excited raw si Bryan sa naiisip na pagpasok niya sa Kapamilya. Handa na raw siya sa kung anumang intrigang haharapin niya dito.
Source: www.pep.ph
No comments:
Post a Comment