Panalo ng isa na namang International Gold Quill award ang ABS-CBN Corporation para sa election campaign nitong “Boto Mo, iPatrol Mo” na siyang unang nagbalita ng naganap na Maguindanao Massacre, tumulong sa pagtaas ng bilang ng mga bagong botante noong 2010 halalan, at nakahimok sa mga mamamayan na isulong ang pagbabago.
Sa pamamagitan ng sa BMPM kung kaya pinakaunang nag-ulat ang ANC o ABS-CBN News Channel sa naganap sa Maguindanao at nalaman ng buong mundo ang tinaguriang pinakanakakagimbal na karahasang ginawa sa mga mamamahayag nang isang Boto Patroller ang nagpadala sa ABS-CBN ng pinakaunang larawan mula mismo sa crime scene.
Ipinamalas ng naturang Boto Patroller kung ano tunay na diwa ng BMPM at iyon ay ang pagsisimula ng pagbabago ng mga ordinaryong Pilipino sa pamamagitan ng pagbubunyag sa publiko ng riyalidad sa kani-kanilang lipunan nang sa gayon may gawin ang pamahalaan tungkol dito.
Inilunsad ng ABS-CBN ang "Boto Mo, iPatrol Mo" isang taon bago isagawa ang 2010 national elections at ipinakilala sa bansa ang konsepto ng citizen journalism kung saan binigyan ng kapangyarihan ang mga mamamayan na i-patrol ang kanilang mga boto gamit ang makabagong teknolohiya at humamon sa kanila sa simulan ang pagbabago sa bansa.
ABS-CBN lamang ang tanging Philippine broadcasting network na pinarangalan ng prestihiyosong International Association of Business Communicators (IABC) ng International Gold Quill para sa kampanya at coverage nito noong eleksyon na BMPM na nagkamit na rin ng parangal noong 2010 mula sa Philippine Quill Awards at Anvil Awards.
Nakatamo ang naturang multiplatform campaign ng 500 na ulat, suhestiyon, at sumbong sa isang araw sa pamamagitan ng email, 100 na mga tawag, at 3,058 naman na text messages noong kasagsagan ng halalan. Mas dumagsa ito noong araw mismo ng halalan kung saan apat na mensahe kada minuto ang ipinapadala sa BMPM.
Noong kagsagan din ng kampanya noong nakaraang taon, ang BMPM ay nakapagtala ng 87,419 nagpalistang Boto Patrollers, 125,487 fans sa Facebook, 23,111 followers sa Twitter, 6,960 miyembro sa microsite nito, at 3,701 miyembro naman sa Multiply.
Nagsagawa din ito ng vice-presidential at senatorial debates na siyang unang gumamit ng Wireless Audience Response System (WARS) na agad susukat sa pulso ng mga piling mamamayan kung sang ayon o hindi sila sang ayon sa mga sinasabi ng mga nagdedebateng kandidato. Naging usap-usapin ito sa publiko kung kaya't nag-trend pa ito sa social networking site na Twitter.
Kaya naman ang ABS-CBN ang kinikilala ng mas nakararaming Pilipino bilang pinaka-kapanipaniwalang TV station base sa survey ng Pulse Asia noong 2010 kung saan 72% ng mga Pilipino ang nagsabing kapanipaniwala ang isinagawang coverage ng network sa eleksyon.
Sa katunayan, ABS-CBN ang nanguna sa national TV ratings noong mismong araw ng halalan base sa datos ng Kantar Media/TNS. Pumalo ang longest running newscast sa bansa na "TV Patrol World" noong araw na iyon sa rating na 31.5% at inungusan ang lahat ng evening newscasts sa ibang mga network.
No comments:
Post a Comment