A Friendly Reminder:

Bonjour! This is my personal blog where you can read really interesting stuff. From updates to stories, from movies to musics, from showbiz to current events and from anything I like to something that will interest you. Don't forget to leave your comments, answer the poll question, be a follower and always read older posts. Have a great time. Merci beaucoup! God bless...

Monday, April 15, 2013

What's Hot: Willie Revillame to Return to ABS-CBN This September?



WHAT'S HOT, WHAT'S NOT?
By Kapamilyalogy FB Group

HOT: Ang sobrang bonggang grand finals ng Bida Kapamilya Celebrity Edition sa It's Showtime. Talaga namang ang gagaling ng mga kasali at performance kung performance ang peg ng mga celebrity contestants.
NOT: Ang napabalita sa isang tabloid na pakikipagmeeting daw ni Willie Revillame ang isang head ng ABS-CBN. At ang sabi, iiwan na daw ni Willie ang TV5 at babalik sa ABS-CBN by September. Hay naku, wag na! Dyan ka na lang mabulok sa TV5. Ang sobrang saya na ng noontime sa ABS-CBN, nakakastress masyado ang show mo. Siguro naman ay hindi na sya tatanggapin ng ABS-CBN pagkatapos ng pambabastos nito sa istasyong nagpayaman sa kanya. Hmmmm....


HOT: Ang katatapos lang na bonggang Binibining Pilipinas Gold. Simula ng maging Kapamilya ang Bb Pilipinas, lagi na lang sla nakakatikim ng World -Class na presentation. Remember, Miss Universe 1994, ABS-CBN ang naghost. At take note, simula ng mapunta sa ABS-CBN ang Bb Pilipinas, lagi na lang may place sa Miss Universe ang Pilipinas. Mas madami kasing sumusuporta dahil sa layo ng nararating ng TFC. Lucky charm ng Bb Pilipinas ang ABS-CBN.
NOT: Ang mga beauty pageants na ipinapalabas sa kabila na nagmumukhang patimpalak lang sa barrio. Hahahaha!

HOT: Daniel Padilla, pinagkaguluhan nang bumisita sa Walang Tulugan. Ang mga balitang ito ay hindi na bago sa mga Kapamilya stars. Tila sabik na sabik ang mga Kapuso na makakita ng mga sikat. Nangyari din ito kay Sir Chief Richard Yap na pinagkaguluhan mismo ng sarili nilang artista (Chariz Solomon).
NOT: Iilan lang kasi ang masasabing sikat sa kabila. Kapag nakita mo, ang sasabihin mo, artista ba yan? Sino yan? Kaya nga kulang na lang isulat sa mga noo nila ang mga pangalan nila. Hahahaha

COURTESY from http://kapamilyalogy.blogspot.com/

No comments: