Masaya si Valerie Concepcion dahil naging bahagi siya ng teleseryeng 100 Days to Heaven. Kung noon ay na-enjoy ni Valerie ang pagho-host sa noontime show ay naramdaman naman niya ngayon ang pagiging aktres.
“Siyempre I feel so blessed na nakasama ako sa show na ’yun, ’tapos big hit pa,” nakangiting bungad ni Valerie.
Paano kaya pinaghahandaan ng sexy actress ang kanyang bad role sa serye? “Nag-workshop po ako kung paano ko mapapaganda ’yung pag-act kasi big hit nga ’yung soap. Siyempre kailangang makipagsabayan sa mga artista. Hindi puwedeng mapag-iwanan so I took a workshop with Beverly Vergel. Tinuruan niya ako kung paano magalit ng makatotohanan kahit hindi ka nagagalit deep inside,” kuwento ng aktres.
Hinahanap-hanap kaya ni Valerie ang pagho-host? “Actually ako, nami-miss ko mag-host pero kung gusto ako ng management na mag-concentrate muna ako sa acting siguro tama lang din kasi parang nag-uumpisa ulit ako sa acting eh, para mas maraming ma-explore. ’Di ba baka mamaya magaling ako sa comedy, sa horror, para at least iba-iba,” natatawang sagot ni Valerie.

No comments:
Post a Comment