A Friendly Reminder:

Bonjour! This is my personal blog where you can read really interesting stuff. From updates to stories, from movies to musics, from showbiz to current events and from anything I like to something that will interest you. Don't forget to leave your comments, answer the poll question, be a follower and always read older posts. Have a great time. Merci beaucoup! God bless...

Sunday, May 22, 2011

Mixed Emotions para kina Kathryn and Julia

Hindi alam ng “Mara Clara” stars na sina Kathryn Bernardo (Mara) at Julia Montes (Clara) kung ano ang dapat nilang maramdaman sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang unang major television project.

“Mixed emotions talaga,” pahayag ni Kathryn habang sumasangayon naman si Julia. “Hindi kami makapaniwala na matatapos na ang ‘Mara Clara,’ parang ang bilis umusad ng panahon. Pakiramdam ko naguumpisa palang kami, ang saya-saya kasi namin sa set. Hindi namin nararamdaman na trabaho,” dagdag ng dalaga.

Sa kabilang dako, ibinahagi naman ni Julia na lubos niyang mamimiss ang buong “Mara Clara” team kaya naman umaasa ang dalagang aktres na makakatrabaho niya muli ang mga ito, “Sana makasama ko ulit silang lahat sa isang project. Pamilya kasi talaga kami dito. Maswerte kami na nakatrabaho namin ang mga taong tulad nila.”

Samanatala, tuluy-tuloy pa rin sa paglantad ng mga kagulat-gulat na mga rebelasyon sa nangungunang serye sa buong bansa. Isa-isang haharapin ng bawat karakter ang mga malalaking desisyon na dapat nilang gawin na tiyak babago sa takbo ng kanilang buhay.

Huwag palalampasin ang huling dalawang linggo ng “Mara Clara” sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng “Minsan Lang Kita Iibigin.” 

No comments: