A Friendly Reminder:

Bonjour! This is my personal blog where you can read really interesting stuff. From updates to stories, from movies to musics, from showbiz to current events and from anything I like to something that will interest you. Don't forget to leave your comments, answer the poll question, be a follower and always read older posts. Have a great time. Merci beaucoup! God bless...

Friday, October 7, 2011

Kathryn Bernardo at Julia Montes, Umiibig Na sa 'Growing Up'


Walang tigil ang “kilig moments” sa buhay ng pinakabagong Sunday barkada sa telebisyon na “Growing Up.”

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng grupo ngayong Linggo, tutukan kung paano lalakas ang loob ni Tammy (Julia Montes) na yayain ang kanyang “soulmate” na si Jason (Diego Loyzaga) sa isang out-of-town trip. Si Britney (Kiray Celis) naman, tatangkaing maka-first kiss sa boyfriend niyang si Winston (EJ Jallorina). At matapos ang mala-aso’t pusa nilang bangayan, magkakalapit na sina Ella (Kathryn Bernardo) at Patrick (Daniel Padilla). Ano kayang magaganap at biglang mapapaamin si Patrick tungkol sa tunay niyang nararamdaman para kay Ella?

Huwag palampasin ang mga pinakabagong kaganapan sa mga puso at buhay ng “Growing Up” barkada ngayong Linggo ng hapon pagkatapos ng “ASAP Rocks” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.growingup.tv o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

No comments: