A Friendly Reminder:

Bonjour! This is my personal blog where you can read really interesting stuff. From updates to stories, from movies to musics, from showbiz to current events and from anything I like to something that will interest you. Don't forget to leave your comments, answer the poll question, be a follower and always read older posts. Have a great time. Merci beaucoup! God bless...

Sunday, October 2, 2011

Maria La Del Barrio, Hindi Na Papipigil sa Pagre-Reyna


Hindi na mapigil ang pagre-reyna ng Maria La Del Barrio sa pre-primetime slot sa national TV ratings.

Sa pinakahuling tala ng Kantar Media/TNS ngayong linggo, ikaapat ang hit teleserye na pinagbibidahan nina Erich Gonzales at Enchong Dee sa over-all national TV ratings. Nanatili ring nangunguna ang Maria la del Barrio laban sa katapat na programa.

Noong Lunes (Sept. 26) pumalo ang national TV ratings ng Maria la del Barrio ng 24.9% laban sa 15.8% ng ‘Futbolilits’ ng GMA7. Samantalang sa kasunod na araw (Sept. 27) nasa 20% ang rating nito kontra sa 10.2% ng katapat.

Sa pagpapatuloy ng istorya nina Maria (Erich) at Luis (Enchong), magaganap na ang pinakahihintay nilang furniture expo. Magwagi kaya sila sa kompetisyon gayong isa sa mga hurado ang ina ni Luis na si Victoria (Angel Aquino)? Lumabas na kaya ang katotohanan tungkol sa tunay na nag-leak ng furniture designs ng Amore? Tuluyan na kayang mahulog ang loob ni Maria sa lahat ng pagtulong na ginagawa ni Luis?


Sa ilalim ng direksyon nina Rory B. Quintos and Richard Somes, abangan ang mas matitinding mga pasabog sa pagtatapos ng linggong ito sa teleseryeng nagpapa-init ng tag-ulan, Maria la del Barrio, gabi-gabi, pagkatapos ng ‘Reputasyon’ sa ABS-CBN. 

No comments: