A Friendly Reminder:

Bonjour! This is my personal blog where you can read really interesting stuff. From updates to stories, from movies to musics, from showbiz to current events and from anything I like to something that will interest you. Don't forget to leave your comments, answer the poll question, be a follower and always read older posts. Have a great time. Merci beaucoup! God bless...

Monday, March 7, 2011

Angelica Panganiban - Phil Younghusband Twitter War; Derek Ramsay and Fan React

Award-winning sexy Kapamilya actress Angelica Panganiban gets into a fight with Philippine Azkals' striker Phil Younghusband and his fan on Twitter when Angel posted an unsolicited advice regarding Phil's reported entry to showbiz.




Noong March 3, naganap ang sagutan ni Angelica Panganiban (@IamAngelicaP) at ng isang "Baby Morales" sa micro-blogging at social networking site.

Nag-react si Angelica sa napapabalitang indie film, kung saan lalabas umano si Phil.

Ayon kay Angelica, "si phil may indie film... Akala ko ba football player sya??? :( lahat na lang artista na :( sad..."

Dagdag pa ni Angelica, sana raw ay mag-concentrate na lang si Phil sa football para tuloy-tuloy ang panalo nito.

"Sila rooney ba gumagawa ng movie? I dont think so :) mukhang busy lang sila kkpractice para laging manalo :)" saad niya.

Si Wayne Rooney ay isang sikat na football player mula sa England.

Ito pa ang ilang tweets ni Angelica tungkol sa isyu (in no particular order):

"masama. Sana lang mag focus muna silang lahat sa football. Para sa pinas kasi yun. #justsayin' after na lang ng tourny mag artista."

"Ang kitid ng utak ng iba. D ko sinasabing ang gusto ko eh ako lang ang artista. Kung gusto pala nya mag artista, sana d na sya nag football."

"Sana sa pbb sya sumali :) d sa azkals. Baka mapuyat sya sa shooting d sya makalaro ng maayos. Gets nyo ba ko? O buong araw natin to issue?"

"Magaling mag football si phil. Stick to that muna :) kakasimula pa lang natin sa football. Baka mas magenjoy sya sa acting. Sayang."

"Ayan. Ok na ha? Concerned citizen lang po ako. Theres no need to promote FB everynight na sila nasa news. Magandang promotion na yun."

Paglilinaw ni Angelica, hindi naman sa ayaw kay Phil. Ayaw niya lang daw na paghaluin nito ang paglalaro ng football at ang showbiz.

"Ok lang naman. Sana lang wag pabayaan ang paglaro :) para d mapahiya :) like pacman," saad niya sa isa pang tweet.

Matatandaang naging personalidad din sa showbiz si Phil bago pa siya nasali sa Azkals. Sumali siya sa Celebrity Duets ng GMA-7 noong 2008, at nag-guest sa iba't ibang programa sa telebisyon. Naging endorser na rin ito ng iba't ibang produkto.

Dahil dito, hindi napigilan ni Phil na mag-react din sa twitter post ni Angelica. Sa isang interview noong March 2 sa Bandila, inihayag ni Phil ang kanyang saloobin sa issue, "I don’t think Angelica probably realized it," Phil tells Bandila. "The indie film was not me acting. It’s not about me getting into acting or being an artista. It’s about football. It’s about promoting football. Maybe she just misunderstood it."

Dahil sa mga tweet ni Angelica ay may mga nag-react na tweeters, at sinasagot naman ito ni Angelica nang maayos. Kahit ang ilang below-the-belt na hirit ng isang nagpakilalang "Baby Morales" ay sinasagot din ni Angelica nang mahinahon.

Gayunpaman, lumala ang palitan nila ng salita. Ilan sa mga ibinato ni "Baby Morales" kay Angelica ay mga salitang "dumb," "stupid," at "bitch."

Sinabi rin nito na dapat hindi nagsasalita laban kay Phil si Angelica dahil wala pa itong nagawang "ikakaproud ng mga pilipino."

Dinamay rin nito ang boyfriend ni Angelica na si Derek Ramsay sa pagsasabing "trying hard" itong magpaka-athlete.

Si Derek ay professional na frisbee player, na nakapag-uwi na rin ng ilang award mula sa ilang kumpetisyon sa ibang bansa.

Binanggit na rin ng fan ang isyung pinaampon lamang si Angelica dahil iniwan siya ng kanyang ama noong maliit pa lamang siya.

Sa ngayon ay lampas 70 na ang tweets ni "Baby Morales" laban kay Angelica.

Bukod sa kanyang pangalan, larawan, at account - wala nang ibang detalyeng makikita sa profile ng kaalitan ni Angelica. Pero kung babasahin ang mga previous posts nito, makikita ang mga mensahe ni "Baby Morales" sa Twitter account ni Phil (@PhilYHusband) at ang Azkals' goal-keeper na si Neil Etheridge.

Dahil sa tuloy-tuloy na paghirit niya (@anilmorales) laban kay Angelica ay nagbigay na rin ito ng maaanghang na sagot. Tinawag niya namang "bakla," "bastos," at "nakakahiya" si "Baby."

Bandang huli ay pabirong sinabihan ni Angelica ang kanyang fans na "ipatumba" at "paglaruan" si Baby.

Dahil sa palitan ng tweets na ito ay nagpa-interview na si Angelica sa news program ng ABS-CBN na TV Patrol at SNN.

Pinag-iisipan na rin daw ng aktres kung sasampahan niya ng kaso ang fan na kasagutan niya sa Twitter.

"Sabi nga niya [Derek], parang kung ano ang opinyon ko doon, susuportahan niya ako. Sabi ko, kung ako, gusto kong idemanda siya. Nalaman ko kasi na puwede palang magdemanda dahil sa mga words na ginamit niya. 

"Sinabi nga ni Derek na susuportahan niya ako. And naniniwala siya na kailangan ng legal action tungkol sa ginawa ng taong yun," saad niya.

Paano niya makikilala yung nag-tweet sa kanya ng masasakit na salita?

"Hinahanap na namin siya," sabi ni Angelica. "May mga common friends pala kami. So, alam ko na yung full name niya. Alam ko na kung taga-saan siya sa Cebu. Alam ko kung saan siya nag-aral. So, unti-unti, baka maya-maya malaman ko na rin yung address niya.

"Sinasabi ko nga, kaming mg artista, gumagawa kami ng Twitter para mapalapit sa mga tao, sa mga fans namin, sa mga nagmamahal sa amin. So, huwag nilang gawing way yun para murahin kami, bastusin kami, kumbaga, tapak-tapakan yung pagkatao namin.

"Kasi, artista kaming nagbibigay ng saya at hindi kami nambabastos ng tao. So, huwag nilang gawin sa amin yun."

Ano ang naging reaksiyon ng boyfriend niyang si Derek Ramsay, na idinamay rin ng "fan ni Phil"? Bukod kasi sa pag-aartista ay miyembro rin ng frisbee national team si Derek.

"Tumawag sa akin si Derek dahil nabalitaan niya yun. Siyempre, galit na galit siya. Nabalitaan pa niya na sinabi nung bakla yata yun, na nagkabali-bali pa yung buto ni Derek wala namang nauuwing karangalan sa Pilipinas.

"Siyempre, sobra siyang nasaktan dun. I mean, buong-puso siyang naglalaro. And ano niya yun, e, passion niya yun. And hindi naman siya professional football player katulad ni Phil na..."Kumbaga, yun nga ang point ko, e, nakikilala na ngayon yung football. So, bakit hindi ka mag-focus dun?

"Kasi, I'm sure, kung kay Derek darating yung ganyang malaking opportunity na makikilala na rin yung frisbee, na ganito kalaki sa Pilipinas, titigilan niya na yung showbiz at ibibigay niya yung buong oras niya sa paglalaro ng frisbee. Kung yun talaga ang mahal niya, di ba?

"So, dun siya na-hurt na hindi naman yun totoo. Kasi, every time naman na umaalis siya ng Pilipinas, at kahit dito sa atin para makipag-compete, e, nananalo naman sila.

"And, nasasaktan pa siya kasi siya yung nagbibigay ng funds sa Philippine team, galing mismo sa bulsa niya. Nagpupunta siya ng Davao, ng Cebu, Dumaguete, nagti-take time siya para makakita ng mga frisbee player at makikipag-compete sila sa Shanghai, may competition sila sa Italy, may laban sila sa Brazil... Ang dami niyang ginagawa and inuuwing karangalan sa Pilipinas.

"And ang tanga niya ["fan ni Phil"], hindi pala niya alam yun. Wala pala siyang alam sa nangyayari sa Pilipinas. Tapos, kung makapag-tweet siya...ang galing niya, di ba?" litanya ng young actress.

No comments: