A Friendly Reminder:

Bonjour! This is my personal blog where you can read really interesting stuff. From updates to stories, from movies to musics, from showbiz to current events and from anything I like to something that will interest you. Don't forget to leave your comments, answer the poll question, be a follower and always read older posts. Have a great time. Merci beaucoup! God bless...

Sunday, August 7, 2011

Tuksuhan at Sulutan ng Asawa, Matutunghayan sa 'The Fierce Wife'

Ang ulirang asawa gagawin ang lahat para sa minamahal. Pero ipaglalaban mo pa rin ba ang karapatan mo sa kanya kahit may mahal na siyang iba?

Ngayong Martes (Aug 8), humanda na sa pagsisimula ng isang mapangahas na kuwento ng pamilya, pag-ibig, at pagtataksil sa hit Taiwanese serye na “The Fierce Wife” sa lalo pang umiinit na Kapamilya Gold.

Perpektong maybahay na maituturing si Cristine at wala ng hahanapin pa ang kanyang gwapo at matipunong asawa na si Louie sa kanya.

Magbabago ang takbo ng kanilang buhay sa pagdating ni Me Ann, ang pinsan ni Cristine na mula America. Pansamantala siyang pinatuloy ni Cristine sa kanyang tahanan ngunit lingid sa kanyang kaalaman na may ibang motibo na pala ang kaakit-akit na dalaga habang tumatagal ang pamamalagi nito sa kanila.

Palihim na pala siyang may pagtingin mismong asawa ng pinsan niya at dahan dahan itong dinadarang sa apoy ng tukso.

Bumigay naman kaya si Louie kay Me Ann? Anong kababalaghan ang posible pang mangyari sa ilalim ng iisang bubong na kanilang tinitirahan? Paano tatanggapin ni Cristine na ang kaagaw sa asawa ay sarili niyang kadugo?

Huwag na huwag palalampasin ang ”The Fierce Wife,” Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng ”Kapamilya Blockbuster” sa first and true home of Asianovelas, ang ABS-CBN.

No comments: