A Friendly Reminder:

Bonjour! This is my personal blog where you can read really interesting stuff. From updates to stories, from movies to musics, from showbiz to current events and from anything I like to something that will interest you. Don't forget to leave your comments, answer the poll question, be a follower and always read older posts. Have a great time. Merci beaucoup! God bless...

Friday, June 24, 2011

Mga Bagong Hamon, Mga Bagong Mukha sa 'Mula sa Puso'

Mga bagong hamon na naman ang naghihintay kina Magda (Dawn Zulueta) sa muling pagbabalik ni Selina (Eula Valdes) at mga bagong mukha rin ang kanilang makakasama na pagharap sa mga ito. Kasalukuyang nasa kamay si Magda ng isang misteryosong lalaking nagngangalang RoccoAmarillo (Chris Villanueva). Bagamat nagkrus na ang landas ni Rocco at ni Gabriel (JM De Guzman) ay patuloy niya pa ring itinatago ang ina sa kanyang anak. Ano kaya ang tunay na pakay niya kay Magda? Samantala, muli kayang tumibok ang puso ni Gabriel sa pagdating ng maganda at palabang si Kate Dela Cruz (Charee Pineda) sa buhay niya? Paano kapag bumalik na si Via (Lauren Young) sa Pilipinas at nalaman niyang buhay pa ang babaeng pinakamamahal? Walang bibitaw sa mas umiinit pang tagpo ng primera klaseng teleseryeng “Mula sa Puso,” Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Marry Me Mary” sa ABS-CBN. Sundan ang official Twitter account ng programa sa http://twitter.com/mulasapuso2011 at ang official Facebook page sa http://facebook.com/OfficialMSP2011. 

No comments: